Thursday, February 27, 2020

Friday, March 1, 2019

HELLO WORLD!!

Gio Antton Torres Salise
Born on February 28, 2019 at 8:43AM.
Weighs 3300 grams and measures 52cm at birth.

February 27, 2019. I can already feel some pain in my pelvic area pero siyempre iniisip ko baka braxton hicks lang yun. I even told Jet around 1PM "Ga, feeling ko nagstart na ko maglabour pain. Medyo naninigas na din yung puson ko. or feeling ko lang". Reading our convo days before, nagsasabi na pala ako na masama pakiramdam ko (at masakit ang binti coz namamanas. haha). Two days straight na din ako nagvovomit during daytime. But then again, may two weeks pa ako before due date.

As always, sumimba pa kami ni Jet ng 5:30PM mass sa St. John. Midway through the mass, sinipa ni baby ang bladder so kailangan magwiwi. After magpee, nasa harap pa ako ng salamin while doing the "kembot" exercise kasi nananakit ang balakang ko. I noticed this old lady na nasa pinto ng isang cubicle. Di niya makabit ang strap ng bra niya. HAHAHAHAHA! She asked me to hook it for her and she asked me, "okay ka lang ba?" to which I answered "hmm. medyo nananakit lang po balakang."
old lady: kabuwanan mo na ba?
me: opo.
old lady: aba, umuwi ka na at baka dito ka pa abutin.
Right after she said this, hinawakan niya ang balakang ko and whispered a prayer for me. "In Jesus' name" (part talaga to ng kwento birthing story ko e. hahaha!)

We usually dine out after mass, pero that day masama talaga pakiramdam ko kaya umuwi na lang kami ni Jet and had dinner at home and slept around 10PM. May picture pa nga ako ng namamanas kong paa dahil kachat ko pa si Macoy. Iniinsist niya na magpacheck-up na ako kinabukasan dahil baka mag-eclampsia daw ako.

12:30AM. Normal naman na nagigising ako to pee so wala lang.

1:30AM. Nagising ako kasi I felt something came out. Yung feeling na may mens na lumabas. So...
F : (Medyo inaantok pa) Ga, I think my waterbag broke.
J : (3/4 sleeping, 1/4 awake) Sure ka? Baka naman napaihi ka lang.
F : Hindi, umihi ako ng 12:30

And our convo continued for about 10-15 minutes kasi di pa talaga kami convinced kahit labas na ng labas yung tubig sakin. Hahahaha! Around 2AM, we traveled to LB. I stayed as calm as possible. Nagjojoke pa nga ako kasi feeling ko natataranta na si Jet. HAHAHAHA.

We arrived around 2:30-2:45AM sa LBDH, when the midwife IE-d me, "3CM na pero ang taas pa ng bata". After maybe 30 minutes, I was transferred to the labor room. Konti konti ng pumapasok yung nerbyos kasi "Ate ako lang dito sa loob hanggang mamaya? Hindi makakapasok asawa ko?". So until mga 4AM, sa text lang kami nag-uusap ni Jet, kamustahan and discussing baby names. Natigil lang yung text updates kasi kinuha ng midwife yung phone ko, "Ma'am pinapatulog kita, hindi ko sinabing magcellphone ka." HAHAHAHA.

(Mahaba pa ang kwentong labor room ko, try ko iupdate to from time to time kapag sinipag ako)

I fell asleep a couple of times, nagigising lang ako kasi ang sakit na ng contractions. mygaaaash.  6AM - 5cm. Nakakapagtext pa ako ng pakonti konti nito.

Hindi ko na alam kung anong oras ako dinala sa delivery room, feeling ko lutang na lutang na ko sa sakit. Ang naaalala ko na lang kapag nagcocontract ang sinasabi ko, "wala pa po ba si dra?", "saan po ba manggagaling si dra?", "Lord, give me strength".

Nung pumasok na si Dra sa delivery room, I felt a bit relieved. "Yes, konti na lang".

It was almost a quarter after 8AM, second to the last push, I can already feel the baby crowned kaya sabi ko kay doc after the 10 second push, "Dra, game na po ulit". I pushed as hard as I can. And there, "Baby out". Naririnig ko pa yung dalawang nurse na nagtalo, sabi nung isa 8:45AM pero sabi nung isa 8:43. HAHAHAHA! I can still remember na nilagay nila si baby sa side para ayusin, ang nasabi ko na lang is "Hello baby!". Soon after, nilagay na nila sakin si baby for skin-to-skin then everything turned black.

11:30AM. 
Nurse: Ma'am, ma'am, may ibang number po ba si Sir?
After three hours, ngayon lang ako nagising, or should I say, ginising ng nurse. I called Jet para makausap siya ng nurse. Sobrang groggy pa ko nito, pero tinawag ko din kaagad yung nurse...
F: Ms. excuse me.
N: Yes po,Ma'am?
F: Nanganak na ko di ba?

The nurse smiled as said, "Opo Ma'am".

Disclaimer : Di ko pa ito napoproof read. Forgive me if there are errors.