Wednesday, October 17, 2012

barkada blues

naisip kong gawin tong post na to dahil sa mga tweets ni @akoposimarcelo.

I'll make this a bulleted one (kasi gusto ko magcomment sa bawat 'statement' niya.) HAHAHA!at gusto ko lagyan ng konting arte :P

YUNG BARKADANG 

... dudukot na lang bigla sa chichiryang kinakain mo.
            - o di kaya ay hihingi pero hindi na ibabalik yung chichirya mo. 

... lakas makalait sa isa’t-isa. 
             -bawal mapikon kundi lalo ka nilang pagtutulungan.


... nandiyan palagi para sayo. 
             -naman! konting drama ko lang sugod na sila. :">

... babatukan ka ng without hesitation. 
              -aba! babae pa din naman ako, pero okay lang, nakakaganti naman ako. harhar!




 ... tawag sa mga magulang mo ay Tito at Tita. 
              -parang nanay at tatay na din ang turing nila sa parents mo :)

... nakikiWIFI sa bahay niyo. 
             -okay! GUILTY. kami to. sorry Mark :P


... makikikain sa bahay niyo. 
             -basta pumunta ng hapon, damay damay na, meryende hanggang dinner. 

... makikinig sa mga drama mo. 
              -i can still remember that night, Feb.12,2010, sa may pavilion. :)

... kakwentuhan mo hanggang madaling araw! 
              -puyatan kung puyatan! tambay overnight ang labanan! :)

... magjojoke sa gitna ng pagdadrama mo!
              -laging may segue?! tapos lalaitin ka na lang. HAHAHA! :) 

...kasama mo sa pagkain ng Crispy Chicken Fillet. 
              -AY SORRY, MCDO FRIES AT SIOMAI LANG SOLVE NA KAMI :)

...iinom sa ininuman mo ng walang kaarte arte! 
              -lalawayan ko na nga ng malupit yung baso ko next time. HAHAHA! :)


...sisikuhin ka kapag nakakita siya ng cute sa mall. 
              -ugaling jonjon! HAHAHA! :))

...bigla ka na lang aayain sa isang lakad. 
              -actually, pupunta na lang sa bahay namin ng 10pm tapos kikidnapin ako. tsk.

...wagas makaplano ng lakad pero di rin natutuloy. Mas ok pa yung biglaan eh! 
              -pambihira!! let's beach na! come on! HAHAHA! matatapos na ang 2012 oh!

...wagas makalait ng EX ng kabarkada nila. 
             -"pambihira! ang tagal na naming break, paulit-ulit pa din?" hoho! :)

...aasarin ka ng todo tapos pag napikon/umiyak ka na, tatawanan ka ng bongga! badtrip!
    HAHAHAHA! :)

...alam na kung pano ka magrereact sa mga bagay-bagay.

...alam na kung kelan ka may sumpong o wala. kung kelan safe ka asarin at kung kelan
   dapat mag BACK OFF!

...tinatawag ka sa kung ano anong pangalan, e.g. Uhog, Unggoy, Ulol, T*nga, etc etc. 
   oo! ikaw nga to Bryan!! :P

...friends nila sa facebook ang mga kapatid at nanay/tatay mo. :P


...tinuturing mong mga kapatid kahit hindi pare-parehas ang mga magulang niyo :)


...pinaniniwalaan nyong MAGKAKADUGSONG NA ANG MGA PUSOD NIYO :)


MAY MAHIHILING PA BA AKO? E SILA PA LANG SOLVE NA! :)

P.S. kailangan ko pa din po ng lablayp, di kasi laging available ang mga dwarfs at GFs ni Snow White eh :P 

P.P.S. kung pwede nga lang ilagay lahat ng pictures dito, kaso... uwian na! HAHAHA! :)

"A friend is someone who knows the song in your heart and can sing it back to you when you have forgotten the words."

No comments:

Post a Comment