Wednesday, November 13, 2013

Never too late

huuuy Lord, alam ko namang makakarating to sa'yo.

may bawian pa ba? gusto ko po sana iedit yung post ko prior to this.. actually, dadagdagan ko po.

...

Pakibasa na lang po yung puso ko, mas maiintindihan niyo po yung gusto ko more than words can say. :)

Please po, please heal our country. Please comfort your troubled people in the visayas region. Haplusin niyo po yung mga kumakalam nilang sikmura at nanunuyong lalamunan. Tapos pakibulong po sa kanila, "kapit lang at wag kalimutang ngumiti".

Sana po lahat ng "blessings" na dumadating para sa mga biktima ay makarating talaga sa kanila. Pakibantayan na din po ang mga taong  pinagkatiwalaan ng mga gustong tumulong, sana totohanan talaga, hindi napoles-ish.

Sige na Lord, malapit na naman birthday ko, ibalato mo na sakin to. :)

P.S. Sana po makunsensya yung mga walangyang pulitiko.

No comments:

Post a Comment