Friday, September 28, 2012

24 hours

This is how I spend my 24 hours everyday..

13 hours and ~ 15minutes (outside our house) : 795 minutes
     -  ~50 minutes of commuting from home to checkpoint (pick-up point of our company service)
     -  ~25 minutes from Checkpoint to the office. (including the 15minutes waiting period)
     - 10 hours and 15 minutes in the office (Take Note: I used "In the Office", *if you know what I mean :P* )
     - 105 minutes of commuting from work to our house..

10 hours and ~45 minutes (in our house) : 645 minutes
     - ~ 15 minutes for dinner
      - ~ 60 minutes allotted for baby-sitting
      - ~ 9 hours of sleep (yeees! healthy living :P )
      - ~30 of preparing for work



I feel so unproductive. hahaha! ang dull pala ng everyday life ko. hahaha! :))

Thursday, September 27, 2012

LDR

I've learned that TRUE FRIENDSHIP continues to grow, even over the longest distance. EVEN ACROSS THE GLOBE.



Above are the snapshots of my skype moment with my dear friend Aivn Nuguid. He's been in Kuwait for six months and four days now. Across the 4934.22 miles distance, we still manage to keep in touch with each other. Exchanging simple "Hi"s and "Hello"s every now and then. ang hirap kaya ibridge ng FIVE hours na time difference.

I met Aivin during my sophomore year in Liceo De Bay, he was a transferee from a nearby school. Isa siyang echoserang palaka na wag na wag mong lalabanan ng "debate", for sure, a supposed-to-be five minute convo will become a half hour conversation. maaaaaaygad! sa munisipyo ka magpaliwanag Lapu.



eto namang kalbo na kamukha ni Timothy Bradley happens to be a super duper, one of the closest guy to my heart. Actually, "mommy" niya daw ako (ang kapal lang ng mukha e mas mukha kaya siyang matanda kesa sakin. :P ) This guy's name is John Bryan Corales, we call him "Bebeng", which is actually his mother's name. harhar. Four months and five days na siya sa Jedah, Saudi Arabia (that gives an estimate that we're 5339 miles apart.) 

May last memory of him, in flesh and in person, (last memory talaga? parang pinatay ko na siya. hahahaha!!) was last May 13, 2012. Oo, yung gabi before his flight, pumunta kami sa bahay nila, pero wala siya dun, NAGDODOTA AT LOL PA ANG GAGO, so kami pa ang nasurprise. He's the kind of person (kung macoconsider niyo siyiang person) na lulunurin ka sa mga pangaral, akala mo naman e ang tino tino niyang tao. hahaha!


Oh well, sabi nga nila, Distance makes the heart grow fonder, este, Absence pala yun. hahahaha! baka lang naman maipipilit. HAHAHAHA!

PUCHA! ayoko na nga magsulat ng kung ano pa. puro paninirang puri na ang naiisip ko. HAHAHAHAHA!!

Alam naman nilang suportado namin, ng buong circle, kung ano man ang mga desisyon nila sa buhay. NAKS! basta lapu at bebeng, bilisan niyo lang dyan ha, uwi na agad kayo. miss na miss na namin kayo!!

Friday, September 21, 2012

*long face*

I just want to let this.. uuuhh.. feeling out by quoting these lines..

"A little consideration, a little thought for others, makes all the difference." –Eeyore

"Things aren’t always what they seem." –Jafar (Aladdin)

Thursday, September 20, 2012

Pangarap lang kita ♥

dahil sa sobrang adik na ata ako sa Parokya ni Edgar.. at dahil sobrang mahal ko ang kanta nila na "Pangarap lang kita", hinanap ko talaga yung kwento behind that song.. lemme quote sir chito's post :)

i wrote this song 2yrs ago for Happee Sy…
2yrs ago, my friend Dom (our sound engineer) was recording an album for some chinese girl named Happee.
Dom kept on mentioning how cute she was.
He also mentioned that she had no intentions of releasing what she was recording…she just wanted to make an album for fun.
At dahil malandi ako, may bigla akong naisip…
Naka-isip ako ng paraan para makiliala ko si Happee na di ako magmumukang desperadong makilala ko sya.
Sabi ko, “Dom, tanungin mo si happee kung gusto nyang gumawa ako ng kanta para sa album nya”
“Naku! Matutuwa yun!” sagot ni Dom.
Sa loob loob ko…”yari ‘to!” :)
Nag-isip ngayon ako ng kanta na magandang gawin para kay Happee…
DAPAT DUET!
(para makasama ko sya sa recording)
DAPAT TUNGKOL SA ISANG PINOY AT SA ISANG CHINESE GIRL!
(para padaplis…hehe! style ko talaga bulok!)
Sinimulan ko gawin yung kanta…inisip ko “sana gumana ‘to!”
Kinabukasan, natapos ko na agad yung kanta.
“Pangarap Lang Kita” yung title.
Nirecord ko agad yung demo sa bahay ko at pinadala ko agad kay Dom via email.
Nagreply agad si Dom,”Ang ganda ng kanta!”
Sa loob loob ko, “sana magustuhan ni Happee…please Lord!!!”
After a few days na walang balita, nagtext bigla si Dom.
“Chit! Sobrang nagustuhan ni Happee yung kanta! Nilagyan nya pa ng chinese chorus!”
Ang laki ng ngiti ko! Binasa ko yung karugtong ng text..
“Tapos na namin irecord. Padala ko sayo yung kopya”
“TEKA…TAPOS NA?!” sa loob loob ko “ano nangyari? Bakit di ako sinama sa recording?!”
Nagtext agad ako kay Dom…
“Tapos na yung kanta?! Nirecord nyo na?! Teka…kelan ko irerecord vocal parts ko?”
Nagreply si Dom, “Ginamit ko nalang yung boses mo dun sa demo na pinadala mo…ok na kasi yung pagkaka-kanta mo dun kaya di mo na kelangan irecord ulit! :) “
Sabi ko sa sarili ko…”patay.”
Pinadala ngayon ni Dom via email yung kanta at pinakinggan ko agad.
I was blown away.
I fell in love with the song and with the way Happee sang her parts.
I knew we had a great song.
Sobrang saya ko sa kinalabasan ng kanta…Sobra!
Pero badtrip kasi di ko man lang nameet si Happee…
Anyway, dahil nga sa nagandahan talaga ako sa kinalabasan ng duet namin, nagdecide ako na isama yung kanta sa ginagawa naming bagong album nung time na yun…
Pumayag naman daw si Happee, sabi ni Dom…
After a couple of weeks, habang nagrerecording kami ni Dom sa studio para sa album, biglang dumating si Happee…
“Ang ganda ng kanta natin! Sobrang excited na ko!” sabi agad ni Happee.
Sumagot ako, “Ako din…sobra!…arigato!”
Natawa sya ng konti kasi chinese sya pero japanese yung tenkyu ko
(nagpapa-cute lang ako pero di yata masyado gumana…)
Naupo sya at nagkwentuhan kami…
Sa wakas, nakausap ko na si Happee…
Ang dami naming napag-kwentuhan.
Nalaman ko na matagal na pala syang may bf…
(eto namang si Dom, di man lang sinabi nung simula pa lang…)
At ngayon ay kasal na sya.
Pero kahit sablay yung ending ng kwento ko, nagbunga naman ito ng magandang kanta…
@chitomirandajr

screenshots c/o http://www.youtube.com/watch?v=lOdiidRJ8Bk
gustong gusto ko talaga yung kanta.. lalo na nung narinig kong LIVE na kinanta yun ng PNE sa UPLB. I love you Chito!! ang saya lang talaga! :"">

Wednesday, September 19, 2012

test post

I feel like writing "things" again. let's see.. what do I have in my mind right now?

I'll blog about it later. trabaho muna :P