i wrote this song 2yrs ago for Happee Sy…
2yrs ago, my friend Dom (our sound engineer) was recording an album for some chinese girl named Happee.
Dom kept on mentioning how cute she was.
He also mentioned that she had no intentions of releasing what she was recording…she just wanted to make an album for fun.
At dahil malandi ako, may bigla akong naisip…
Naka-isip ako ng paraan para makiliala ko si Happee na di ako magmumukang desperadong makilala ko sya.
Sabi ko, “Dom, tanungin mo si happee kung gusto nyang gumawa ako ng kanta para sa album nya”
“Naku! Matutuwa yun!” sagot ni Dom.
Sa loob loob ko…”yari ‘to!” :)
Nag-isip ngayon ako ng kanta na magandang gawin para kay Happee…
DAPAT DUET!
(para makasama ko sya sa recording)
DAPAT TUNGKOL SA ISANG PINOY AT SA ISANG CHINESE GIRL!
(para padaplis…hehe! style ko talaga bulok!)
Sinimulan ko gawin yung kanta…inisip ko “sana gumana ‘to!”
Kinabukasan, natapos ko na agad yung kanta.
“Pangarap Lang Kita” yung title.
Nirecord ko agad yung demo sa bahay ko at pinadala ko agad kay Dom via email.
Nagreply agad si Dom,”Ang ganda ng kanta!”
Sa loob loob ko, “sana magustuhan ni Happee…please Lord!!!”
After a few days na walang balita, nagtext bigla si Dom.
“Chit! Sobrang nagustuhan ni Happee yung kanta! Nilagyan nya pa ng chinese chorus!”
Ang laki ng ngiti ko! Binasa ko yung karugtong ng text..
“Tapos na namin irecord. Padala ko sayo yung kopya”
“TEKA…TAPOS NA?!” sa loob loob ko “ano nangyari? Bakit di ako sinama sa recording?!”
Nagtext agad ako kay Dom…
“Tapos na yung kanta?! Nirecord nyo na?! Teka…kelan ko irerecord vocal parts ko?”
Nagreply si Dom, “Ginamit ko nalang yung boses mo dun sa demo na pinadala mo…ok na kasi yung pagkaka-kanta mo dun kaya di mo na kelangan irecord ulit! :) “
Sabi ko sa sarili ko…”patay.”
Pinadala ngayon ni Dom via email yung kanta at pinakinggan ko agad.
I was blown away.
I fell in love with the song and with the way Happee sang her parts.
I knew we had a great song.
Sobrang saya ko sa kinalabasan ng kanta…Sobra!
Pero badtrip kasi di ko man lang nameet si Happee…
Anyway, dahil nga sa nagandahan talaga ako sa kinalabasan ng duet namin, nagdecide ako na isama yung kanta sa ginagawa naming bagong album nung time na yun…
Pumayag naman daw si Happee, sabi ni Dom…
After a couple of weeks, habang nagrerecording kami ni Dom sa studio para sa album, biglang dumating si Happee…
“Ang ganda ng kanta natin! Sobrang excited na ko!” sabi agad ni Happee.
Sumagot ako, “Ako din…sobra!…arigato!”
Natawa sya ng konti kasi chinese sya pero japanese yung tenkyu ko
(nagpapa-cute lang ako pero di yata masyado gumana…)
Naupo sya at nagkwentuhan kami…
Sa wakas, nakausap ko na si Happee…
Ang dami naming napag-kwentuhan.
Nalaman ko na matagal na pala syang may bf…
(eto namang si Dom, di man lang sinabi nung simula pa lang…)
At ngayon ay kasal na sya.
Pero kahit sablay yung ending ng kwento ko, nagbunga naman ito ng magandang kanta…
—@chitomirandajr
screenshots c/o http://www.youtube.com/watch?v=lOdiidRJ8Bk |
gustong gusto ko talaga yung kanta.. lalo na nung narinig kong LIVE na kinanta yun ng PNE sa UPLB. I love you Chito!! ang saya lang talaga! :"">
No comments:
Post a Comment