at dahil ang sipag ko tumambay sa Overheard, naalala ko ang kaisa-isahang semestre kung saan kailangan ko magprerog dahil sa isang post..
Tanong:
ANO ANG PREROG? BAKIT BA KAILANGAN NITO?
Sagot ko:
Bilang ang regular load sa UP ay 18 units, naitanong ko na din dati sa isang senior ko kung bakit kailangan pang "maghagilap" ng units. "hindi ba pwedeng i-reg kung kunwari 12 lang ang nakuha ko?" sagot niya, "pwede naman. kaso sayang ang isang sem".
Ang prerog (teacher's prerogative), lalo na nung time namin na manual enlistment pa, ay ang panlilimos ng slot sa mga instructor. Kailangan to para makumpleto mo ang inaasam na 18 units (or kung ilan ang kailangan mo that sem. :)
Game, eto na ang kwentong prerog ko:
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
SALAMAT sa 4.0 sa Math17 (na naging 3.0 din naman nung nagremovals ako before ang start ng 2nd sem), 6.0 units lang ang laman ng form5 ko na pinilahan ko pa ng humigit kumulang dalawang oras sa NCAS.
Bilang Old Freshman (OF) ako noon, di ko talaga alam ang gagawin, so punta ako kay Sir Terry (†) para magtanong kung pano ang gagawin ko. At dahil likas na mabait at mabiro si Sir, eto ang advice niya sakin,
"Naku 'Neng! mag-Boracay ka na lang muna"
HAHAHAHA! pero sinabi niya sakin na maghanap nga daw ako ng mga subjects, unahin ko daw ang STAT1 at Math26, so punta naman ako sa lobby ng INSTAT, andun ang enlistment chuva nila. Hanap ako ng section na swak sa schedule ko. ayun, UV-4L. ayos! enlisted na ko sa unang Stat na subject ko.
next target ko naman ay CMSC2 at 11, pero sa kasamaang palad e puno na lahat ng sections, so nagpetition na lang kami ng section sa CMSC11. antay blues..
Buti na lang may mga friendly friends ako, sila yung nagsasabi sakin na "uy, may open na section sa ganitong GE, baka gusto mo", "uy, may petition para sa ENG2, punta ka sa NCAS"
Ayun nga, sakto! may petition para sa additional section ng ENG2, at swak din siya sa schedule ko, edi pirma naman ako. :)
tapos punta naman sa Math Building (MB) para makipagsapalaran sa Math26, pero hindi ganun kadali makakuha ng slot dun.
so sa loob ata ng dalawang araw, ganun ang buhay ko, pasok sa klase, tapos hanap ng Math at GE. hanggang sa may nagtext sakin na approved na daw yung ENG2 namin, yahoo!! 12 units na ko :) 6 na lang.
di ko alam kung pano ako napadpad sa NCAS 30(something), may nakapagsabi ata sakin na may POSC1 petitioned section na naapprove, punta naman kami ni MG kahit di kami kasama sa nagpetition, siyempre, kinakabahan kami kasi ang sabi ni Ma'am Magno, "priority natin yung mga nagpetition ha, pero kung wala naman sila, tatanggapin ko kayo". Sa kabutihang palad, may mga wala nun so natanggap kami. ang saya lang. HAHAHA!! perooooo...
tulad nga ng sabi ko kanina, ANG HIRAP HUMANAP NG MATH26!! so para kaming pulubi sa MB109. as in nakaupo na kami/ako sa harap ng pinto ng room, sa sobrang pagod, kada papasok na prof "Ma'am/Sir, prerog po". haaaaay. :( hanggang sa dumating na ang liwanag.. hehe..
Dumating si Ma'am Teta (Cristeta Cuaresma), napakabait niya kasi nagorient muna siya sa klase niya tapos maaga siya nagdismiss, at LAHAT kaming prerog ay tinanggap niya :)
next meeting, edi pasok na kaming lahat, sabi ni Ma'am pagdating niya,
"okay class, lipat tayo sa MB113". nakakatuwa lang na ang dami namin sa klase kasi 10+ ata kaming prerog na tinanggap ni Ma'am.
So ayun, nakakumpleto ako ng 18 units :) naapprove in yung petitioned CMSC11 lab section namin pero nagreg na ko, sabi ko isusummer ko na lang. Feeling ko napaka-swerte ko na di ko na pinagdaanan yung talent showcase sa mga GE para lang matanggap ka.
Buti na lang, isang sem ko lang talaga naranasan yun, dahil unang-una, wala naman akong talent para sa pakikibaka sa pagpeprerog sa mga GE, at pangalawa, ayoko na talagang maulit yun, ang haba kasi ng pila sa kabilang window (IYKWIM) :P
(end)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tips sa mga kagaya kong di nabiyayaan ng units:
1. Tiyaga lang. makakahanap ka rin :)
2. Maging Abangers sa mga bigla-biglang nagcacancel.
3. Maging friendy, para madami kang espiya sa mga klase. hehe
4. Magtsinelas at comfy clothes. You'll never know kung anong trip nilang ipagawa sa inyo.
5. Siguraduhin kung sino ang prof sa section na pupuntahan mo, mahirap na. HAHAHA! :)
6. May mga prof na ayaw ng pinupuntahan sila sa cubicle. alamin na lang ang room assignment at magpakitang gilas doon.
7. Manalig kay Oble at sa kakayahan mo.
8. Mag-aral ng mabuti para good standing at priority sa pagbibigay ng slots, buti nga computerized registration na ngayon :)
No comments:
Post a Comment