"Marami daw kasing kalokohan sa UP. Andun na ang tumatakbong nakahubad, ang mga nagpapalu-an ng tubo, mga taong hindi naniniwala sa diyos, mga estudyanteng wala nang nakitang maganda sa pamahalaan, mga taong namundok, may mga buntis na ayaw magpakasal, may mga anak-mayaman na tumalikod sa karangyaan, mga nag-aaral ng mga kursong hindi mapagkikitaan, mga taong nagdyu-dyugdyugan sa damuhan, mga taong mukhang di naliligo, etc. Sa UP ba natututunan yan?"
Maging open-minded , radical at critical thinker, pakikisama at matutong timplahin ang ugali ng mga tao sa paligid mo, ilan yan sa mga natutunan ko sa UP na totoo namang nagagamit ko sa "real world".
Kung hindi mo din kayang magreason out or hindi ka magsasalita kahit alam mong tama, kabahan ka na, kakainin ka ng buhay dito [sa loob ng UP].
Oo nga pala, Bully, Kupal at Mayayabang kami. >:)
TUNAY. PALABAN. MAKABAYAN.
~~ 2006-38407
No comments:
Post a Comment