I can't help but share this..
'But it’s always you I run home to, take me back, take me home away from here back to where I am free' - 'Los Baños' by Sugarfree
Dalawang oras mula sa usok-infested streets of Metro Manila matatagpuan
ang aking personal heaven dito sa mundo. Matanaw ko pa lang ang Mt.
Makiling mula sa South Superhighway, kinikilig na ako. Wala naman akong
girlfriend sa LB. Lalo nang wala ding boyfriend. Kahit ka-fling na
pwedeng balikan, wala naman akong pupuntahan. Pero yung feeling pwede
mong itulad sa pagpunta mo sa bahay ng mahal mo matapos ang isang buwang
walang pag-uusap o pagkikita.
Nasa LB ang org ko, pero hindi
naman kami close ng mga orgmates, actually parang iwas pa nga sila sa
kin e. Nandito sa Metro Manila ang mga kaibigan ko. Nasa Pasig ang
pamilya ko. Wala naman akong ancestral roots sa Los Baños. Mayroon lang
talagang hindi maintindihang connection sa pagitan ko at ng
napakagandang lugar na to.
Bakit kaya ako napaibig sa Los Baños?
Suspect #1: Yung environment.
Kasi sa umaga, ang sarap langhapin ng hangin. Ang sarap panligo nung
mainit na tubig na lumalabas sa gripo. Lalo na pag may matinding
hangover, ang sarap pantanggal ng sakit ng ulo. Lalabas ka ng bahay,
maririnig mo yung iba't-ibang huni ng mga ibon. Dadampi sa mukha mo yung
lamig ng simoy ng hangin, at didikit sa sapatos mo yung damo na nabasa
sa hamog.
Hindi ko kayang lakarin ang Ayala Avenue from EDSA to
Buendia, pero pag sa LB, kahit doblehin pa yung same distance, wala
akong reklamo. Kahit ilang milyong bumbilya pa ang ilagay mo sa mga
building ng Makati, walang tatalo sa napakagandang backdrop ng LB, ang
Mt. Makiling. Minsan magtataka ka, sa isang araw na wala kang makikitang
ulap, makikita mong nakatambay ang mga clouds sa tuktok ng bundok na
ito.
Suspect #2: Yung pagkain.
Wala namang pinagkaiba
yung pagkain sa LB kumpara sa Manila e. Sa totoo lang, hindi din ako
madalas kumain ng buko pie. Madaming kainan sa LB, pero ginawa kong
suspect yung pagkain kasi napamahal talaga ako sa nanay ko dahil siya
yung araw-araw na nagluluto ng laman-tiyan ko. Kung gagawa ako ng list
ng 'The Best LB Food', nasa menu ko ang mantika-licious Ellen's Fried
Chicken, yung Pinoy-style siomai sa Papu's, yung Doner Durum (LB version
ng shawarma), yung dinuguan na binebenta sa Lapitan's Meat Shop, yung
chocolate cake ng Mer-Nel's, yung tokwa sa IC's bar, at syempre ang
aking all-time favorite na Bug-Ong Roasted Chicken. May natikman pa
akong bagong panalong chibog, yung sa Ihaw Express na malapit sa White
House.
Kahit sinong taga-LB ang tanungin ninyo, sasabihin nya
na mas masarap ang Lucky Me Pancit Canton na niluto sa LB kesa sa niluto
sa kung saang lugar.
Suspect #3: Yung inuman.
Kung
magtatayo ka ng business sa LB na ayaw mong malugi, magtayo ka ng liquor
shop o kaya ng affordable na bar. Dahil may kasabihan nga na 'hindi ka
taga-LB kung hindi ka marunong uminom'. Madaming resto-bar sa LB, pero
nothing beats the house parties. Bago pa sumikat yung gin-pomelo sa
Manila, yun na yung iniinom namin. Madami pa kaming nagawang kakaibang
cocktail. Yung Kamehame Wave (vodka + ice tea), yung POGi (pineapple +
orange + gin), yung FuKiKo (fundador, hershey's kisses, tsaka kape),
yung Boracay (Tanduay + 3-in-1 coffee mix + evap), at ang walang
kamatayang Piña ColaTa (pineapple + coke + tanduay). Sa LB, mas maganda
ang tagayan kaysa kanya-kanyang kuha ng inom. At shempre kulang ang inom
pag walang home-made pulutan tulad ng Kilawing Cornick at ang sikat na
sikat na Tuna-Skyflakes.
Suspect #4 Yung mga tao.
Ewan
ko lang ngayon pero nung nandoon pa ako sa LB, walang social climber.
Walang pa-sosyal dun. Yung mga galing sa mga mayayayamang pamilya (coñio
in layman's terms), kailangang mag-fit in sa masa. Hindi importante ang
porma. Kahit naka-pambahay na damit at tsinelas ka pag papasok, tanggap
ka na ng lipunan. Kaya yung mga kilala ko na taga-UP Diliman dati,
hindi ma-gets yung mga kwento ko kung gaano kami ka-barok sa UPLB. 'How
baboy naman the pig', ika nga nila.
Walang mapagkunwari sa LB.
Siguro dahil nga small town lang to, lahat magkakakilala. Kung may
pino-protektahan kang image, eventually, lahat ng baho mo lalabas din.
Kaya mas magandang ilabas mo na yung totoong ikaw kasi mas mapapasama
kung mabubuko ka lang.
Suspect #5 Yung memories.
Ahhh.
The memories. Siguro sa lahat ng suspect ko, eto ang parang
'Mastermind' . Pag nakasakay ako ng jeep sa LB, o kaya kahit naglalakad
lang, hindi ko naiiwasang tumingin sa isang bahay, sa isang bar, o sa
isang kainan, at sabihin sa sarili ang mga bagay na tulad ng 'uy, diyan
yung first kiss ko sa 3rd girlfriend ko', o kaya 'diyan sa bangketang
yan natulog yung brod ko nung nalasing', o kaya 'diyan kami pinakitaan
ng multo'. Halos lahat ng lugar sa LB, may naiwan akong memory doon. May
mga napalitang mga establishments, pero may itatayong bago na maaring
pag-iwanan ulit ng alaala. Kung tutuusin, ang LB ay isang buhay na diary
para sa kin. Bawat lugar, isang pahina. Bawat araw, isang linya.
Madaming hindi nakakaintindi sa akin kung bakit pabalik-balik ako sa
Los Baños, lalo na yung mga batchmates ko noong college. Lagi ko nang
naririnig yung mga phrases na 'Grow up', 'Move on with your life',
'Leave the past behind', 'Wala ka na sa stage ng buhay mo na college ka
pa din'. Masakit marinig, pero may point nga sila.
Kaya minsan,
tinanong ko yung housemate ko na umuuwi sa LB every weekend. Sabi ko
'bakit kaya ako bumabalik sa LB eh isinusuka na ako ng mga tao doon,
wala naman akong binabalikan, wala naman akong napapala?'
At hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi nya.
'Tinatanong pa ba yan? HOME. Home is where the heart is.'
No comments:
Post a Comment